16,989 NA BAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA NGAYONG ARAW; KASO PATULOY SA PAGBABA

Sa huling araw ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa  Metro Manila, patuloy na bumababa ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ngayong araw, September 15, nagtala ang Department of Health ng 16,989 na panibagong kaso ng Covid-19.

Kaya naman umakyat na sa  2,283,011 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 24,123 na gumaling at 214 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (170,446) ang aktibong kaso, 91.0% (2,076,823) na ang gumaling, at 1.57% (35,742) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 13, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19.

Kaya patuloy ang paalala ng DOH na sumunod sa minimum public health standards, magsagawa ng PDITR strategies at magpabakuna.

Hanggang ngayon ang pagbabakuna pa rin ang nakikitang mabisang panlaban sa COVID-19.

Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19.

Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker   

Leave a Reply

Your email address will not be published.