WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU: MGA KOMEDYANTENG TRENDING

Sanay na tayo na nagiging “center of attraction” ang mga komedyante. (yung nakakatawa ha, at di dahil epal! )Mga propesyunal man na napapanood natin sa tv, pelikula o entablado o kahit yung mga likas na nagpapatawa na kasama natin sa bahay, sa trabaho o sa gimikan. (ok lang basta di corny ha!) Nitong nakaraang linggo, ilang komedyante sa showbiz ang pinag-usapan, hindi dahil sa kanilang pagpapatawa kundi dahil sa ilang isyu na kinasangkutan nila. (afraid yung kinasangkutan ha!)

 

Tuesday Vargas:

Mulat si Tuesday sa mga isyung panlipunan dahil na rin siguro sa kanyang kinagisnan nung nasa UP pa sya. Nag guest sya sa isang noontime show, at may kailangang sagutin tungkol sa kung kailangan na bang ibalik ang NCR sa GCQ. No ang sagot nya. Actually ok lang daw na mag Yes sya kung may maayos na sistema, at maayos na plano sa gagawing GCQ. Maraming sumang-ayon sa hanash ni Tuesday at naging trending sa social media.  (at hindi lang yun sa araw ng Tuesday ha!)

 

Ate Gay:

Matagal ding nawala sa sirkulasyon si Ate Gay dahil sa kanyang pagkakasakit. Pero ngayong sya’y nakabawi na ng lakas, balik ulit sya sa pagpapatawa sa kanyang mga social media accounts. Naging negatibo lang ang naging reaksyon ng mga netizens ng magparinig sya sa ilang kaibigan sa facebook na wala raw ginawa kundi magreklamo sa sistema ng bansa.  Nagkomento rin sya sa isang kapwa komedyante tungkol sa inis nito sa pamahalaan. Nagkaron ng time si Ate Gay na sagutin ang ilan sa kanyang bashers at pinasalamatan ang mga dumagdag na followers.  (so, mukhang walang himala!)

 

*John Lapus

Nagkaroon ng one on one interview si John Lapus sa Youtube Channel ni Ogie Diaz. Binuksan nya ang kanyang sarili sa kung ano sya noon at kung ano na sya ngayon. May mga naipundar sya pero dahil sa pandemya, hindi nya maiwasang mag-alala lalo pa’t irregular ang trabaho sa showbiz ngayon. Pero lumalaban daw sya. (kaya laban sweet ang hashtag ni vakla!) Ginagawa nyang busy ang sarili lalo kapag dinadalaw na sya ng depression. Kahit pagtitinda ng ice candy at yelo sa kanyang bahay ginawa nya para sya malibang. (malay mom aging ice candy magnate ka!)  Nag-aabala rin sya para sa kanyang Youtube Channel para may dagdag na gawain.  Inamin din nya ang kanyang frustration sa kanyang pamilya. Masama ang loob nya sa mga ito dahil sa parang napunta raw sa wala ang kanyang mga tulong. (kaya no talk muna sya sa kanila!)

Hindi naman malungkot ang ending ng interview, dahil sa nagbiro pa ito na minsan na rin daw nyang naisip na magkaroon ng for adults content sa isang website para lang may pagkakakitaan. (di ko kakayanin ang onlyfans or just fans by sweet!)

 

K Brosas:

Nagdurugo ang puso ni K Brosas dahil sa nangyari sa kanyang ipinapatayong bahay dahil sa hindi raw ito inayos ng kinuha nyang contractor kahit naibigay na nya ang bayad. (7 million pesos lang naman!) No choice na sya kundi magsampa ng demanda. Pero siempre hindi biro yung maglabas ng pera at yung maunsyami ang pangarap nang dahil sa kapabayaan ng iba.  (wala silang K na gawin yun kaninuman!)

Isa si K sa mga aktibo sa social media. Bago pa lumabas ang isyung ito sa kanyang bahay, ang dami nyang natutulungang small businesses sa pamamagitan ng kanyang instagram at twitter. HInihikayat nya ang sinumang may negosyo na magpadala sa kanya ng announcement o advertisement tungkol sa kanilang produkto at pinopost nya ito para makita ng kanyang mga followers. (daig si Ate mo Karen Davila sa kumikitang kabuhayan!)

 

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu the star dj. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.