PINAY FIGURE SKATER SOFIA FRANK, NAGTAPOS SA IKATLONG PWESTO SA COLORADO SPRING INVITATIONAL

(Photo courtesy: Screengrab Sofia Frank FB)

Nagtapos sa ikatlong pwesto si Filipina figure skater Sofia Frank sa 2021 Colorado Spring Invitational nitong Sabado, Sept. 11.

Si Frank, ang kinatawan ng Pasadena Figure Skating Club, ay nakakuha ng  90.13 puntos sa event upang makuha ang sa ikatlong pwesto sa free skate event.

Nasa 12 ang kalahok sa nasabing kategorya kung saan naging kampyon si Courtney Hicks na may 100.53 puntos at Sonja Hilmer na 2nd place na nakakuha ng 95.85 puntos.

Kakatawanin naman ni Frank ang Pilipinas kasama si Edrian Paul Celestino, sa Nebelhorn Trophy sa Germany sa September 22-25.

Ang Nebelhorn Trophy ay ang qualifying tournament para sa 2022 Beijing Winter Olympics.

Si Sofia ang ikatlong anak ni Binibining Pilipinas Maja 1990 Precious Tongko at Noah Frank.

(Toni  Tambong)

Leave a Reply

Your email address will not be published.