OIL PRICE HIKE ULIT EPEKTIBO BUKAS, SEPT 14

Sa ikatlong magkasunod na linggo ay magkakaroon muli ng dagdag-singil sa produktong petrolyo, base sa mga kompanya ng langis, bukas Marte, Sept. 14.

Madadagdagan ng P0.40 kada litro ang presyo ng gasolina.

Ang Diesel naman ay may dagdag-singil na P0.35 kada litro.

Magkakaroon din ng dagdag-singil na P0.15 kada litro sa halaga ng Kerosene.

Inianunsyo na ng Shell at Petrogazz na alas 6:00 ng umaga nila ipatutupad ang bagong presyo.

Samantala, ang Cleanfuel ay 4:01 ng hapon.

Toni Tambong

Leave a Reply

Your email address will not be published.