FAREWELL FIGHT NI PACQUIAO SA ‘PINAS, IKINAKASA

Matapos na pabagsakin ni Yordenis Ugas nitong August, lalaban pa sa huling pagkakataon si Senator Manny Pacquiao sa kanyang farewell fight.

Binabalak ni Pacman na gawin ang farewell fight sa Pilipinas sa December o January sa Philippine Arena kung saan pwedeng manood ang mahigit 50,000 fans.

Sa kabilang banda, kung hindi naman aaayos ang sitwasyon at patuloy ang paglobo ng COVID-19 sa bansa ay posibleng sa US o middle east na lang  gaganapin laban.

Lumulutang ang posibleng rematch kay Ugas para sa pinakahuling laban ng Pambansang Kamao.

Maging ang pangalan nina Ryan Garcia o kaya friendly fight kontra kay Saul Canelo ay lumulutang din na gustong masaksihan ng mga fan.

Nananabik din ang fans sa posibleng bakbakan ni Pacman at ni Scottish Josh Taylor na may record na 18-0 na naging 2012 Olympian at kasalukuyang may hawak ng WBC, WBO, WBA super at IBF super lightweight titles.

(Toni Tambong)

Leave a Reply

Your email address will not be published.