2 PATAY AT 2 ANG SUGATAN SA AKSIDENTE SA PASIG CITY

(Photo: Dong del Mundo)

Patay ang dalawang babae, habang sugatan naman ang dalawang lalaki sa isang vehicular accident sa Pasig City kaninang pasado alas dos ng madaling araw.

Ayon sa mga rumespondeng MMDA ,  base sa salaysay ng mga nakaligtas ay papunta umano sila ng Marikina nang banggain ng isang trak sa itaas ng C5- flyover sa bahagi ng IPI, papuntang Libis, Quezon City.

Kitang-kita ang matinding pagkakayupi ng sasakyan dahil sa lakas ng pagkakabangga dito ng trak.

Agad din umanong tumakas ang driver ng nakabanggang trak.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawang lalaki na nakaupo sa harapan ay nakaligtas matapos mag-deploy ang airbag ng sasakyan.

Namatay naman ang dalawang babae pagkatapos maipit sa upuan sa bandang likuran.

Binigyan ng first aid ng rumespondeng ambulansya ang dalawang lalaki habang sinubukan namang alisin sa sasakyan ang dalawang naipit na babae gamit ang mga hydraulic equipment ng Pasig City Rescue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.