MGA MANGGAGAWA SA INFORMAL SECTOR SA MASBATE, NAKATANGGAP NG MAHIGIT P43-M NA LIVELIHOOD ASSISTANCE
Spread the news on:

Nakatanggap ng tinatayang P43.2 milyong  livelihood assistance ang mga informal sector worker sa Masbate mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE, karamiham sa mga manggagagawa ay bumabangon pa mula sa bagyong Jolina.

Humigit kumulang 3,600 na mga displaced at disadvantaged  Masbateño, kasama na ang mga nagbabalik na OFW at mga batang intern, ang tumanggap  mula sa mga programa ng labor department pangkabuhayan, tulad ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na halagang P3.3 milyon at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na nagkakahalaga ng P34.8 milyon.

Ang DOLE team ay namahagi rin ng  P4.7 milyong  stipend o sweldo sa mga benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) at halos  P240,000 para sa DOLE – AKAP assistance at social benefits para sa pamilya ng mga OFW.

Pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III pamamahagi ng mga nasabing pondo.

Ginawaran din ng kalihim ng DOLE Safety Seals ang Masbate-based Filminera Resources Corporation at  Philippine Gold Processing and Refining Corporation  para sa pagsunod sa mga pamantayan sa kalusugan at kaligtasan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF – EID).

“Ang utos ng ating Pangulo, ang kuwarta sa tao. Inyo ‘yung pera. Hindi niyo utang sa akin yan, hindi niyo ‘iyan utang sa DOLE. Iyan ay pera ninyo, dapat lang na mapunta sa inyo,” pahayag ni Bello sa mga benepisyaryo at pinaalalahanan na ingatan ang kanilang  livelihood programs.

Kabilang sa mga pinagkalooban ng DOLE ay ang mga napiling vaccinated essential workers na nakatanggap ng mga yunit ng bisikleta na may kumpletong mga aksesorya at mobile phone sa ilalim ng Bike-Cination Project ng DILP.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.