DTI: RESTRIKSYON SA MGA BAKUNADONG 65 YEARS OLD PABABA, POSIBLENG LUWAGAN

Maaaring luwagan ang restriksyon sa paglabas ng mga bakunadong 65 years old pababa, ayon sa Department of Trade and Industry.

Sinabi ni  DTI  Secretary Ramon Lopez na kailangan na ng “different approach” bukod pa sa lockdown.

Isa sa posibilidad na mangyari ay ang payagan nang makalabas ang mga bakunadong edad 65 pababa partikular na sa dine-in at personal care services para sa gagawing “safe re-openings” kasunod ng lockdown.

“Ang iniisip po natin, safe re-opening, especially during MECQ. ‘Yung middle ground is para safe, we allow only the vaccinated. Safe sila sa mga restricted sectors na ‘to. We can say na vaccinated na below 65 years old.”

“Kasi kapag vaccinated na mas matanda, above 65,  delikado pa rin kapag tinamaan ng COVID. Pero ‘yung mas bata ay mas malakas,” dagdag pa ni Lopez.

 

(Toni Tambong)

Leave a Reply

Your email address will not be published.