17 INIWANG PATAY NI TYPHOON JOLINA

(Photo courtesy: PNA)

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 17 patay dahil sa pananalasa ni Bagyong Jolina.

Umabot naman sa pito ang nawawala habang 24 ang sugatan sa hagupit ni Jolina.

Dagdag pa ng NDRRMC, nasa 81,000 pamilya o 313,000 indibidwal ang naapektuhan ng pananasala ni Jolina.

Umabot din sa 13,061 indibiwal sa Calabarzon, Mimaropa, at Region 8 o Eastern Visayas ang mga lumikas.

Nasira naman ang 8,924 kabahayan kung saan 432 rito ang buong winasak ng bagyo.

(Toni Tambong)

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.