FDA, NAGBABALA SA PUBLIKO LABAN SA PAGGAMIT NG NASAL SPRAY KONTRA COVID-19

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa  publiko tungkol sa Nasal Spray products na ginagamit sa Pilipinas.

Binigyan diin ng FDA  na ang mga produktong Nasal Spray na pinahihintulutan sa Pilipinas  bilang  medical devices ay ginagamit sa ilong para panandaliang makahinga.

“These are sprays that coat the nasal mucosa with substances that have a non-specific effect against pathogens.” ayon sa FDA Advisory No.2021-2289.

Ang naturang mga produkto ay walang aktibong  pharmaceutical ingredients na direktang nakagagamot o nakapagtatanggal ng sakit, ayon pa sa FDA.

Paalala ng FDA, hindi ito dapat gamitin bilang pamalit sa mga gamot at bakuna upang maiwasan o magamot ang SARS-CoV-2 Infection o COVID-19.

Hinihimok din ng FDA ang  publiko na maging mapagbantay sa paggamit ng mga produktong may mga claim laban sa sakit na COVID-19.

Samantala, kamakailan lang ay may isang kumpanya na humihiling na aprubahan na ang kanilang nasal spray product kasama ng iba pang umano’y gamit kontra Covid-19.

Hanggang sa ngayon naman ay wala pang inilalabas na ulat ang FDA tungkol sa nasabing kahilingan.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan , maaring tumawag o makipag-ugnayan sa FDA – Center for Device Regulation, Radiation Health, and Research sa pamamagitan ng  e-mail na  cdrrhr@fda.gov.ph o tumawag sa (02) 8857-1900 loc. 8301.

(Jocelyn Domenden)

Leave a Reply

Your email address will not be published.