TATLONG MANGINGISDA, NASAGIP NG PCG MULA SA LUMUBOG NA FISHING BOAT
Spread the news on:

(Photo Courtesy: PCG)

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) Occidental Mindoro Station ang tatlong mangingisda  mula sa isang lumubog na fishing boat malapit sa Ligaya, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ang mga nasagip na indibidwal ay nakilalang sina Jimuel Villanueva, Jonnel Magramo at Norlie Conchada, pawang mga residente ng  Barangay Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ang insidente ay iniulat ng isang concerned citizen sa PCG matapos itong makatanggap ng distress call mula kay Villanueva.

Ayon sa ulat, galing ng Barangay Sta. Lucia ang tatlong mangingisda sakay ng fishing boat na “Giannecielle” upang mangisda.

Dahil sa hindi magandang lagay ng panahon bunsod ng bagyong Jolina, napagpasyahan nilang magkubli muna sa baybayin ng Dongon Point, Barangay San Nicolas,  Sablayan, Occidental Mindoro.

Pero hinampas sila ng malaking alon na naging dahilan para masira ang katig ng bangka.

Dahil dito nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG at natunton ang kinaroroonan ng mga mangingisda.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.