PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS | CAVITE: PAGEANT POWERHOUSE NG ‘PINAS?

May napupuna ang mga taga-Pageant Town sa nagiging resulta ng mga pinakamalalaking pageants sa bansa.  Nagiging kapansin pansn kasi ang paglakas ng lalawigan ng Cavite sa mga national beauty pageants ngayon.

Una nang gumawa ng marka sa Binibining Pilipinas 2021 ang delegada ng Cavite na si Samantha Alexandra Panlilio matapos siyang tanghaling Binibining Pilipinas Grand International.  Dahil dyan, siya ang ipambabato ng Pilipinas sa MGI sa Phuket, Thailand, kung saan muntik nang masungkit ni Samantha Bernardo ang korona noong 2020.  Isang 25-year old model, si Panlilio ay pamangkin ng kauna-unahang Binibining Pilinas winner, ang yumaong si Myrna Panlilio, na nagwagi noong 1964.   Bagamat tubong Cavite ang dalaga na may taas na 5’5”, siya’y nanirahan at nag-aral sa Amerika at nagbalik lamang bansa para lumaban sa Binibining Pilipinas.

 

Lumilikha rin ng ingay sa Miss World Philippines naman si Ganiel Krishnan ng Kawit, Cavite.  Di kataka-takang maging top favorite sya sa kumpetisyon.  Bukod sa likas niyang kagandahan bilang isang half-Indian, half-Filipina, si Ganiel ay mahusay rin sa pagsasalita bilang isang dating courtside reporter ng UAAP at isang lifestyle and entertainment news anchor ng TV Patrol sa ABSCBN.  Desidido si Krishnan na mapagwagian ang pinaka-mataas na korona sa Miss World Philippines at maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World Pageant sa Puerto Rico sa darating na Disyembre.

ganielkrishnan

Top contender din sa Miss Universe Philippines si Miss Cavite, Victoria Velasquez Vincent.  Bagamat lumaki sa New Zealand, nagbalik-bayan si VVV upang lumahok sa labanan para hanapin ang kakatawan sa Pilipinas sa 70th Miss Universe Pageant sa Eilat, Israel.  Sa ginanap na Interview Challenge ng Miss Universe Philippines, si VVV ang nakakuha ng pinaka-mataas na puwesto dahil sa galing niya sa Q and A.

Pati sa Mrs. Universe Philippines ay bumabandera rin ang mga Cavitena.  Ang dating That’s Entertainment star na si Sarah Javier ang siyang nangunguna sa mga kalahok para sa korona.  Hindi naman ito kataka-taka.  Kahit sa edad nitong 42, hindi pa rin kinukupasan ng ganda ang ngayo’y singer at songwriter na si Sarah.  Isa na rin syang mabuting asawa at huwarang ina sa isang binatang anak.

Ano nga kaya ang masasabi ng iba pang lalawigang dati nang tinaguriang pageant powerhouses sa bansa?  Papayag nga kayang maungusan ng Cavite ang Bulacan, Laguna at Bicol region bilang tahanan ng magagandang dilag?

Leave a Reply

Your email address will not be published.