P1.5-B HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA CAVITE
Spread the news on:

(Photo courtesy: PDE)

Umabot sa 229 kilos nang hinihinalang shabu ang nasamsam habang dalawa ang napatay sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa Cavite kagabi, Huwebes, September 9.

Aabot naman sa  P1.5 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga na pawang nakalagay sa daan-daang piraso ng Chinese level plastic packs.

Unang naganap ang operasyon sa loob ng isang subdivision sa Molino III, Bacoor kung saan napatay ang mga umano’y suspek na sina Basher Bangon, 59 anyos na taga Cagayan de Oro at Danilo Untavar, 51 anyos.

Base sa mga otoridad si Basher ay isang top drug level personality at ang mga nasawing kalalakihan ay konektado sa Chinese drug syndicate kung saan nakuha sa posesyon nila ang may 181 kilos ng shabu na may P1.23 bilyon ang halaga.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva ang bahay ay ginamit na stock area ng mga shabu mula sa Golden Triad Syndicate.

Samantala, sa hiwalay na operasyon naman naaresto ang mag-asawang Aldwin at Lina Micoleta sa loob mismo ng bahay nila sa isang exclusive subdivision sa Bahayang Pag-Asa, Barangay Magdalo, Imus, Cavite kung saan nasamsam naman ng mga otoridad ang may 48 kilos ng shabu na nakalagay rin sa mga chinese level na pakete at may P326 milyon halaga.

Ayon sa PDEA ang illegal drugs operation sa Cavite ay konektado sa mga nakumpiskang iligal na droga na nauna na nilang nakumpiska sa Zambales nitong Miyerkoles, September 8.

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.