WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU : Gretchen Barretto’s Love Box

Hindi ko personal na kilala si Gretchen Barretto. Kilala ko lang siya bilang artista. Nung napapanood ko sya noon feeling ko pwede ko syang maging friend. (feeling ko kasi pwede rin akong maging Regal Baby! o kya prinsesa ng Seiko films!) Nagkaroon nako ng pagkakataon na mainterview sya kapag nagcocover ako ng showbiz events o kaya pag naghohost ako sa red carpet ng mga awards night.  Isa sya sa mga naaaliw akong interviewhin kasi alam nya yung bibitawan nyang salita. Parang alam nyang i-edit yang sarili nyang sound bite para yun ang iere. (di ka na mahihirapan kumuha ng linya nya sa editing ng material mo for tv o print!)

Nitong nakaraan, nagpadala sya ng  “love box” sa mga media friends.  Naglalaman ito ng mga pagkaing pasok na pasok sa pangangailan ng tao ngayong pandemya.  Nagulat din ako nang makatanggap ako. (dinisplay ko nga muna sa kusina yung mga imported na de lata!) Marami rin ang nagulat sa gesture nyang ito na ipinadaan nya kay showbiz reporter Francis Simeon at matalik nyang kaibigang si Ana Abiera.  (dapat ifriend din mga yan!) Akala ko mga showbiz reporters, columnists at hosts lang pinadalhan nya.  Nakita ko sa social media accounts ng ilang mga kapwa nya celebrities na nakatanggap din ng love box ni La Greta. (baka hanggang Hollywood umabot pala ito!)

Kahit hindi kami close ni Gretchen, minessage ko sya ng pagpapasalamat. Sumagot  naman sya at nagbigay ng paalala ngayong may pandemya. (ayan konti nalang baka maging close na kami!) Naalala ko rin kasi ang kaibigan ko, the late Direk Francis Pasion. Naging direktor nya si Francis sa isang teleserye sa ABS-CBN.  Kinukwento ni Francis dati na aliw na aliw sya kay Greta. Isang nakakatawang experience nya ay yung pinapaalis daw ni Francis kay Gretchen yung suot nitong pearls sa tenga (o leeg ata or both!) Kasi ang eksena lang daw na kukunan ay matutulog na sya. Sinagot lang daw sya nito ng: “Why Direk, is it a sin to wear pearls while sleeping?” (something to that effect!) Natawa na lang daw si Francis at pinayagang nakapearls sya sa pagtulog sa eksena. (oo nga naman, kasalanan nga bay un?!)

Hindi rin makakalimutan ni Francis yung manakaw ang kanyang pinagkakaingatang laptop. Naloka na lang sya nang abutan sya ng brand new laptop ni Gretchen sa taping nang malamang nanakawan sya. (bigyan ng jacket yang si Greta!)

Hindi ko naman malilimutan ang pagdalo nya sa huling lamay ni Francis. Tandang-tanda kong nasa harapan sya habang isinagawa namin ang eulogy. Tinapos nya yun at nagbigay galang sa huling gabi ng kaibigan namin. (teary eyed ata ako. chos.)

Nagpapasalamat ang lahat sa regalo mula kay Gretchen. Hindi talaga matatawaran ang spirit of sharing sa panahon ngayon na di madali ang pamumuhay ng bawat isa. Kaya salamat din sa lahat  ng mga nagkukusang tumulong sa kapwa nila. Malalagpasan din natin ang pagsubok na ito. (ay nagseseryoso?! Basta mahal tayo ng universe!)

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu the star dj. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

Leave a Reply

Your email address will not be published.