KASO NG DENGUE SA BAGUIO CITY, TUMAAS NANG ANIM NA BESES
Spread the news on:

Tumaas nang anim na beses ang bilang ng mga kaso ng Dengue sa Baguio City.

Kaya naman, nababahala ngayon ang local authorities ng syudad.

Ayon kay Medical Officer 4 Donabel Tubera-Panes, Head ng City Health Services Office’s Epidemiology and Surveillance Unit, anim na beses ang pagtaas ng  kaso ng Dengue sa lungsod  sa unang walong buwan ngayong taon kumpara sa nakalipas na kaparehong panahon.

Sinabi ni Tubera-Panes na mula January 1 hanggang Aug. 30, 2021, may kabuuang  891 dengue cases ang naitala mula sa ibat-ibang barangay kumpara sa  124 na kasong naitala sa kaparehong panahon noong 2020.

Ayon pa kay Panes, ang age range ng dengue fever cases sa lungsod  ay mula isang buwan hanggang 90 taong gulang.

Dagdag pa niya, ang karamihan sa kaso ng Dengue sa City of Pines ay mga lalake.

Ayon pa kay Panes, mayroon nang walong naiulat na namatay na nauugnay sa dengue.

Base sa five-year dengue fever data sa lungsod mula  January hanggang  December, mayroong  2,808 cases na naitala noong  2016, 500 noong  2017, 434 noong 2018 habang 839 noong  2019 at 162 noong 2020.

Samantala, 891 na kaso naman ang naitala para sa unang walong buwan ngayong 2021.

(Jocelyn Domenden)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.