7 PASAHERO NG MOTOR LAUNCH SA PALAWAN, NA-RESCUE NG PCG
Spread the news on:

(Photo courtesy: PCG District Palawan)

Pitong pasahero ng motor launch ang nasagip ng mga tauhan ng  Philippine Coast Guard (PCG) Station Roxas at Bantay Dagat Roxas malapit sa Zabala Reef, Barangay Caramay, Palawan kahapon, Miyerkoles, September 8.

Sa ulat ng PCG, nakatanggap ito ng distress call mula  ML MRRL’s skipper na si Ricky Conge kaya bumuo ng joint search and rescue (SAR) team.

Ayon kay Conge, nasira ang propeller ng motor launch habang naglalayag sa Tulariquin Reef at Zabala Reef patungong Barangay Sta. Teresita, Dumaran, Palawan.

Ang mga nasagip na pasahero ay dinala sa Roxas Feeder Port, habang ang motor launch ay hinila gamit ang motorized boat.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.