PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS : MISTERS OF FILIPINAS, TULOY NA TULOY NA!

Hindi na makapaghintay ang mga kalahok at fans ng Misters Of Filipinas sa Pageant Town na makita kung sinu-sino ang kanilang mga iidolohing hari ng kaguwapuhan sa bansa.

Maaga nagplano ang taga-organisa ng pageant na Prime Event Productions Philippines para sa 2021 Misters of Filipinas search na nakatakda na sanang gawin sa Dumaguete City, Negros Oriental.  At kahit pa tumaas ang kaso ng COVID19 sa bansa ay tuluy na tuloy na dapat ang gala event noong Agosto subalit last minute ay biglang kinailangan muna itong iatras para na rin sa kapakanan ng tatlumpung kandidato sa pageant.

Ngayong linggo lang ay masayang ibinahagi ni Carlo Morris Galang, Pangulo ng PEPPS, na malapit nang maganap ang finals ng Misters of Filipinas at ito’y sa October 30, 2021 sa Negros Oriental Convention Center pa rin.

Ayon pa kay Galang, October 26 ang tulak ng mga contestants papuntang  Negros Oriental at uuwi rin agad sa Maynila at sa kani-kanilang probinsya ang mga kasali pagkatapao ng koronasyon.  Ang mpipiling mga magsisipagwagi ay kakatawan sa Pilipinas sa iba’t ibang mga nternational competitions na gaganapin sa taong ito.

 Bukod sa karangalang maging delegado ng bansa sa mga international pageants ay nakatakdang magwagi ng prize package na higit sa One Hundred Thousand Pesos ang magwawaging Misters of Filipinas 2021.

Mapapanood saanman sa mundo ang Grand Coronation Event ng patimpalak sa KTX sa October 30 via live streaming.

Leave a Reply

Your email address will not be published.