DUTERTE, NAG-SORRY SA PAGKAPATAY SA APAT NA CHINESE NATIONALS SA ZAMBALES ANTI-ILLEGAL DRUGS STING
Spread the news on:

(Photos Courtesy: PDEA & PNP Region 3)

Humingi ng dispensa si Pangulong Duterte sa pagkakapatay sa apat na Chinese nationals sa isang buy bust operation sa Zambales kahapon, September 7.

Ayon pa sa pangulo, ginagawa  lamang daw  ng mga otoridad ang kanilang trabaho.

“So, I’m sorry, I’m sorry for the loss of lives. Hindi man natin ginusto ‘yan. But I just hope that the countries from where these guys come from should understand that we have laws to follow,” sabi pa ng Pangulo.

Kahapon, mahigit sa P3-B halaga ng shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa Candelaria, Zambales mula sa mga hinihinalang miyembro ng tinaguriang Chinese Triad.

Patay ang apat na Chinese national nang manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Zambales.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva ang mga napatay na sina Gao Manzhu 49-anyos; Hong Jianse, 58; Eddie Tan, 60; at Xu Youhua 50, pawang taga-Fujian, China.

Base sa ulat, dakong 11:30 ng umaga nang isagawa ang drug operation sa Noah Place Brgy. Libertador, Candelaria, Zambales.

Nagpanggap na buyer ang PDEA agent at nagawang makabili sa grupo.

Ngunit nakatunog umano ang mga ito at nanlaban sa mga awtoridad.

Narekober mula sa mga suspek ang 500 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon, apat na baril, Toyota Fortuner, apat na cellphone, at dalawang Chinese passport.

Inaalam pa ng mga operatiba kung sino ang nasa likod ng malaking transaksyon ng iligal na droga.

Ipinagtanggol naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-drug operatives na nagsagawa ng buy-bust operation  sa Zambales kung kaya’t namatay ang apat na Chinese nationals.

Sa Talk to the People na ipinalabas kanina, sinabi ni Duterte “walang choice” ang mga otoridad kundi patayin ang mga umano’y miyembro ng drug syndicate.

“May namatay ho. Hindi man natin gustong mangyari ito pero medyo armado kasi at sinasabi ko naman sa inyo na itong lahat itong mga big-time talaga may armas .

Ang nasabing joint buy-bust operation ay isinagawa ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Drug Enforcement Agency at  Bureau of Customs sa Libertador village sa  bayan ng Candelaria, Zambales.

May kabuuang 500 kilo  na hinihinalang shabu ang narekober ng mga pulis na nagkakahalaga ng P3.4 billion.

Samantala, humingi din si Duterte ng pang-unawa sa mga bansa ng mga foreigners na namatay sa Pilipinas dahil sa illegal drugs.

Hindi man natin gustong makipag-away o kaya nga saktan ‘yung mga citizens ng iba-ibang bayan na kababayan natin pero,  we have to do this because we have to protect our country. Simple as that,” sabi pa ni Duterte.

Pero nagpaalala rin ang Pangulo na hindi siya manghihimasok o makikialam kung may mga Pilipinong naaresto dahil sa iligal na droga .

Hindi rin niya umano idedepensa ang mga Pilipino na mas ginustong magpaalipin sa iligal na droga.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.