G! WITH RIZZA DIAZ : PHILIPPINES REPRESENT

Parami nang parami ang mga Pilipinong basketball players ang maglalaro sa Japan B. League para sa 2021-2022 Season.

Nitong Linggo ay inanunsiyo ng Niigata Albirex BB na pumirma sa kanilang koponan si Kobe Paras. Siya na ang ika-pitong Pinoy baller na magpapakitang gilas sa Japanese basketball league.

Magbabalik si Thirdy Ravena sa San-En Neophoenix, samantalang ang kanyang kuya na si Kiefer ay maglalaro para sa Shiga Lakestars. Kasama ng mga Ravena at ni Paras sa Division I sina Bobby Ray Parks na import ng Nagoya Diamond Dolpins at Javi Gomed de Liaño na maglalaro sa Ibaraki Robots.

Para naman sa Division II ay sina Juan Gomez de Liaño ng Earth Friends Tokyo Z at si Kemark Cariño ng Aomari Wat’s.

Malaking opportunidad ito para sa mga Pinoy basketball players na makapaglaro sa ibang bansa, ipakita ang kanilang galing at maging tulay sa iba pang mga nais din sundan ang kanilang yapak.

Tung tutuusin hindi na ito bago, noong 2018 ay naglaro na rin si Paul Zamar para sa Mono Vampire sa ASEAN Basketball League.

Sa mga nagsasabi naman na nauubos na raw ang players ng PBA, wala silang dapat ikabahala. PBA will still be PBA. After all, PBA ang kauna-unahang pay-for-play league sa Asia.

Napakaraming magagaling na players ang Piipinas, hindi ito mauubos. May mga maglaro man sa ibang bansa ay siguradong may papalit, may magi-step up para sa kanilang team sa PBA o pwedeng may rookie na mangibabaw.

Ang tagumpay ng mga Pilipinong atleta abroad ay tagumpay nating lahat, suportahan natin sila at ang mga narito sa Pilipinas na naglalaro sa PBA para mas umusbong pa ang sports sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.