SHARKS’ TEETH, NAKUMPISKA NG BOC
Spread the news on:

(Photo Courtesy: BOC FB)

Nasabat ng Bureau of Customs Cebu-Subport of Mactan ang parcel na naglalaman ng 4.98 kilograms ng  “Shark Teeth” na idineklarang  “Plastic Components for Fashion Accessories”.

Dahil sa kahina-hinalang imahe ng parcel sa x-ray,  isinailalim ito sa masusing beripikasyon at physical examination.

Kinumpirma naman ng kinatawan ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang laman ng parcel na nasabat noong August 31 ay  Sharks’ Teeth at hindi Plastic Components tulad ng idineklara.

Ayon sa BOC, walang Import Permit na inisyu ang BFAR para sa nasabing importasyon.

Dahil dito, agad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC laban sa kargamento .

Hindi naman natukoy ng BOC kung sino ang consignee at saan galing ang nasabing parcel.

“The Subport ensures that regulated goods are released only when covered with proper permits and clearances. The importer in this case did not secure a permit from the BFAR prior to the importation and intentionally misdeclared the goods to get away with it. We remind our importers and their representatives to properly declare their goods, and secure the necessary permits and clearances, to prevent seizures,” ayon kay Mactan Port Collector Gerardo A. Campo.

Idi-dispose  naman ang nasamsam na Sharks’ Teeth  alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon sa customs pagkatapos sumailalim sa  seizure and forfeiture proceedings.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.