BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG, HINILING ANG MAS MAHIGIPIT NA QUARANTINE STATUS PARA SA SYUDAD
Spread the news on:

Hinihiling ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong  na ilagay ang Baguio City sa mas mahigpit na quarantine status  na General Community Quarantine with heightened restrictions.

Ito ay para mas mabilis umanong maipatupad ang mas mahigipit na control measures laban sa patuloy na pagtaas ng Coronavirus disease (COVID-19) cases na nararanasan ng syudad.

Sa bagong anunsyo kasi ng Malakanyang, ang Baguio City ay isasailalim sa General Community Quarantine na simula September 8-30.

Ayon pa kay Mayor Magalong, bagamat naghihigpit na ang syudad sa mga quarantine rules sa nakaraang dalawang linggo,  kailangan pa rin ng pormal na deklarasyon para maipatupad ng syudad ang restrictions.

Sinabi rin niya na naiparating na niya ang kahilingan kay Dept. of Interior and Local Government Cordillera OIC-Regional Director (RD) Araceli San Jose.

Ang Baguio City ay may average na 890 cases per week at naniniwala siyang ang Delta variant ay siyang dominant variant na sa syudad.

“I reiterate: the worst is yet to come. So please continue observing the minimum public health standards. We need everyone’s help,” apela ni Magalong sa mga kababayan.

Si Mayor Magalong ang nanguna sa maagang paghahanda para sa Delta variant simula pa noong July para ma-delay ang pagkalat nito.

Naniniwala si Magalong na mayroong mas malalang impact ito  kesa sa naranasan ng syudad noong March at April dahil naman sa Alpha at Beta variants.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.