MGA RESIDENTE NG ALBAY AT SORSOGON, NAKATANGGAP NG TULONG PANGKABUHAYAN
Spread the news on:

Sa simula pa lang  ng “Ber months,” maagang nakatanggap ng regalo ang mga residente sa Albay at Sorsogon sa Bicol.

Sa tulong ng Ang Probinsyano Party List (APPL) at ni Edward Delos Santos, naipamahagi ang mga bangkang de motor, negokarts, toolkits para sa TESDA graduates at multi-purpose tents sa ibat ibang  barangay sa Albay at Sorsogon noong isang linggo.

Ang nga nasabing gamit ay unang hiniling ng mga nasabing LGU para makatulong sa kabuhayan ng kanilang mga residente.

Magiging malaking tulong din ito umano para sa pagsisimula at pagpapaunlad ng kabuhayan ng kanilang mga kababayan.

Tinanggap ni Julius Binamira, ang Presidente ng Fisherfolks Association mula sa mga representative ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang motorized bancas para sa mga mangingisda ng San Roque, Legaspi.

Ang mga Barangay official at jeepney drivers naman sa Daraga, Albay ay nabigyan ng multi-purpose tents para sa kanilang jeepney terminals.

Sa Barangay Travesia, Albay naman, nagbigay ang Ang Probinsyano Party List (APPL) ng mga vest para sa mga masisipag na barangay personnel.

Namahagi rin ang APPL ng Negokarts sa Camalig, Albay para sa mga walang trabahong mga residente.

Tinanggap naman ang mga nasabing NegoKarts nina Camalig, Albay Mayor Carlos Baldo, Jr. at Ms. Meriam Nocillado ng PESO-Camalig Albay.

Personal ding namahagi si Delos Santos ng APPL ng mga toolkit sa mga nagtapos ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) at Agri & Poultry farming ng  TESDA sa pamamagitan ni OIC Provincial Director Engr. Gilda Ranido.

Sinabi naman ni Edward Delos Santos ng Ang Probinsyano Party-List na patuloy nilang susuportahan ang mga programang mag-aangat sa kabuhayan ng mga Pilipino.

“Naging mahirap po talaga para sa ating lahat ang pandemyang ito. Marami po ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan. Nawa’y magamit niyo po ito upang makapagsimula po kayong muli sa pang-araw araw nyong  pagha-hanapbuhay,” ayon pa kay Delos Santos.

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.