SAFARI, AVIARY AT IBA PANG ATRAKSYON SA MANILA ZOO, MASISILAYAN NA NG PUBLIKO SA DISYEMBRE
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Screengrab from Manila PIO)

Masisilayan na ng publiko ang bagong mukha ng Manila Zoo sa darating na December.

Ilan sa  mga atraksyon na sasalubong sa publiko ay ang  aviary, safari at butterfly farm na kahalintulad nang makikita sa zoo sa Dubai.

Kahapon ay ininspeksyon nina Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice-Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang ginagawang rehabilitasyon ng zoo.

Ayon kay Mayor Isko, malapit nang matapos ang ginagawang pagsasaayos ng Manila Zoo.

Plano ring bumili ng pamahalaang lungsod ng  “golf carts” na maaaring magamit ng mga mamamasyal na senior citizen na bibisita sa Manila zoo.

“May golf carts tayong bibilhin para sa senior citizens na papasyal. Safari design ng golf cart, kasama ang mga apo nila na magda-drive,” pahayag ni  Domagoso.

Sinabi pa ni Yorme na napanatili ang matataas na puno sa Manila Zoo  dahil hindi ito ginalaw o pinutol kahit pa nagsasagawa ng rehabilitasyon.

Taong 2019 nang ipasara ang Manila Zoo para sumailalim sa rehabilitasyon.

(Jocelyn Domenden)

(Photo Courtesy: Screengrab from Manila PIO)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.