G! WITH RIZZA DIAZ : TERRAFIRMAZING!

Muling nagbabalik ang 2021 PBA Philippine Cup at gaya ng liga ay tila new beginning ito para sa Terrafirma na nakapagbulsa na ng historic back-to-back wins.

Kung para sa ibang team ang dalawang sunod na panalo ay ordinaryo lang, para sa Dyip ito ay nakapalaking achievement na.

Mula sa 0-4 bago matigil ng dalawang linggo ang PBA dahil sa enhanced community quarantine sa Metro Manila, ngayon ay 2-4 na ang Dyip!

Noong Miyerkules ay pinatumba ng Terrafirma ang higanteng San Miguel, 110-104, at ngayong Biyernes naman ay ang defending champion Ginebra ang nabiktima ng Dyip, 95-90.

Bakit makasaysayan ito para sa Terrafirma? Bago ang laro, 0-16 ang win-loss record nila kontra sa Ginebra. Bukod dito, ito ang unang back-to-back wins ng Dyip since 2017 Commissioner’s Cup.

Sa dalawang larong ito bumida si Juami Tiongson na nakapagtala ng career-high performance sa dalawang laro. Gumawa siya ng 28 points versus SMB at nahigitan niya ito agad makalipas ang dalawang araw lang, mayroon siyang 31 laban Ginebra.

Bukod dito, personal best at franchise record din ang nine three-pointers ni Tiongson kontra Ginebra.

Swerte ba ito para sa Terrafirma? Pwede. Pero hindi natin maaalis na dalawang bigating teams ang pinataob ng Dyip at hindi ito basta-basta.

Magandang makita na ang mga nasa ilalim na team ay umaangat kahit pauni-unti. Hindi lang para sa mga team pero para sa liga na ang ilan sa mga masugid na taga subaybay ay tila nawawalan na ng gana dahil, ayon sa ilang fans, wala nang thrill manood.

Congrats, Terrafirma! Well deserved.

Leave a Reply

Your email address will not be published.