44 KATAO, PATAY DAHIL SA HURRICANE IDA; ILANG U.S. STATES, LUBOG PA RIN SA BAHA
Spread the news on:

(Photo Courtesy:  Sept. 2. Photo: Ed Jones/AFP via Getty Images)

Tinatayang aabot sa 44 katao ang namatay sa flash floods na nagpalubog sa ilang US state nitong nakaraang araw.

Base sa report ng Hindustan times, bagamat mahirap pang malaman sa ngayon ang eksaktong bilang ng namatay, karamihan ng news agencies ay nagkasundo na nasa  44 katao ang namatay dahil sa delubyo, kabilang na ang 13 sa New York City samantalang marami pa rin ang nawawala o unaccounted for.

Nagdulot ng matinding pag-ulan at pagbaha ang Hurricane Ida sa Northeastern part ng Amerika.

Nawalan din ng kuryente sa maraming  lugar.

Una nang idineklara ng National Weather Service ang flash flood emergencies sa Northeast, kasama na ang New York City.

Pati ang subway ay suspended din dahil sa matinding pagbaha.

Agad na nagdeklara si NewYork Governor Kathy Hochul ng first state of emergency noong Huwebes.

Kasunod nito nagdeklara rin ay si New York City Mayor Bill de Blasio ng travel ban para sa kahit non-emergency vehicles hanggang 5 a.m.

Ang climate change ang sinasabing nagpalala sa mga pagbaha dahil na rin sa mas maraming ulan na dala ng hurricane.

Bukod sa matinding rainfall ay nagkaroon din ng matinding thunderstorms na may tornadoes at  malakas na hangin sa Mid-Atlantic.

Samantala, libo-libong residente naman ang nawalan ng kuryente at malinis na tubig sa Southeastern U.S. state ng Louisiana kung saan unang mag-landfall ang bagyo.

Walong electric transmission lines na nagseserbisyo sa  New Orleans at southern Louisiana ang nasira nang mag-landfall si Hurricane Ida.

Isa sa mga transmission tower ay bumagsak pa sa Mississippi River.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.