RESULTA NG PAG-AARAL SA UNANG GAMOT KONTRA DENGUE SA PILIPINAS, ILALABAS NA SA 2022

(Photo Courtesy: PNA)

Ilalabas na sa susunod na taon ang resulta ng pag-aaral sa unang gamot kontra- dengue sa Pilipinas, ayon sa team ni Dr. Rita Grace Alvero ng Pharmalytics Corporation.

Noong 2019, nakumpleto na ang Phase 1 ng clinical trial ng ginagawang Dengue capsule kung saan nakita na ligtas itong magamit ng tao.

Ang grupo ni Dr. Rita Grace Alvero ng Pharmalytics Corporation ang nanguna rito, sa tulong na rin ng Department of Science and Technology’s Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).

Ngayong taon ay itutuloy na ng kanilang grupo ang pagsasagawa ng Phases 2 at 3 clinical trials sa nasabing gamot, matapos na matigil sa kasagsagan ng pandemya.

“We expect the study to be completed by the second quarter of 2022,” ani Alvero, sa mensaheng ipinadala sa GMA News Online.

Sa gagawing proseso, sa Phase 2 ay isasalang na ang gamot sa mga indibidwal na may dengue, habang sa Phase 3 ay ikukumpara ang bisa ng gamot sa normal na panggagamot sa may dengue.

Siniguro naman ni Alvero na kapag napatunayang mabisa ang kapsula ay mas magiging mura ito sa publiko.

“It will be cheaper than the combined cost of hospitalization, ICU [intensive care unit] stay, blood transfusions and the lost income of caretakers during the illness.  For those with financial challenges, this will offer hope and relief.”

(Toni Tambong)

Leave a Reply

Your email address will not be published.