MAHIGIT P6-M SHABU NA NASA LOOB NG CCTV CAMERAS, NASAMSAM NG BOC
Spread the news on:

(Photo courtesy: BOC)

Nasamsam ng Bureau of Customs Port of Clark ang isang kilo ng shabu  na tinatayang nasa halagang  0P6,126,800.00 milyon.

Ayon sa BOC, nakalagay ang shabu sa loob ng apat na CCTV cameras na isang export shipment patungong Auckland, New Zealand.

Sa koordinasyon sa  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Enforcement and Security Service (ESS), Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang nasabing kargamento ay pinigil kasunod ng impormasyon na ang export shipment  ay idineklarang  “CCTV Camera at Video Recorder”ay naglalaman ng illegal na droga.

Sa pag-eksamen, tumambad ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na nakasilid sa loob ng apat na CCTV cameras.

Kinumpirma naman ng  PDEA Chemical Laboratory Analysis Report na ito ay shabu .

Nag-isyu naman ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Alexandra Lumontad laban sa kargamento para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang nasamsam na droga ay itinurn-over na sa PDEA nitong Biyernes, August 27, alinsunod sa Customs Administrative Order No. 03-2020.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.