US MILITARY, NAGSAGAWA NG DRONE STRIKE SA UMANO’Y “PLANNER” NG ISLAMIC STATE
Spread the news on:

(Photo courtesy: File, AP thru VOA News; In this Jan. 31, 2010, photo, an unmanned U.S. Predator drone flies over Kandahar Air Field, southern Afghanistan, on a moonlit night.)

Nagsagawa ng unmanned air strike ang US military laban sa umano’y “planner” ng Islamic State-Khorasan, ang grupong umako sa papagpapasabog sa Kabul airport noong Huwebes, August 26.

“The unmanned airstrike occurred in the Nangarhar Province of Afghanistan. Initial indications are that we killed the target,” ayon sa pahayag ni Capt. Bill Urban  ng Central Command.

“We know of no civilian casualties,” dagdag pa niya pagkatapos ianunsyo ang unang naiulat na US strike pagkatapos ng pagpapasabog sa Kabul Airport.

Ang airstrike na isinagawa mula sa labas ng Afghanistan ay halos kasabay din ng paglikas sa mga evacuees sa Kabul airport.

Naging mas mahigipit din ang seguridad sa nasabing airport matapos ang pag-atake ng suicide bomber noong Huwebes.

Ayon pa sa report, 78 sibilyan at 13  sundalong Amerikano ang namatay sa pagsabog sa Kabul Airport noong Huwebes, August 26.

Iniulat naman ng ibang media outlets na halos nasa 200 na ang namamatay dahil sa pagsabog.

Ayon pa sa mga US official, nagpaputok pa ang ilang armadong grupo pagkatapos ng pagsabog.

Ang pagsabog ay ginawa ng violent arm ng nasabing Islamic State group.

Nangako naman si US President Joe Biden na ipaghihiganti ang mga namatay sa pagsabog.

“To those who carried out this attack as well as anyone who wishes America harm, know this: We will not forgive. We will not forget. We will hunt you down and make you pay,” sabi pa ni Biden.

Sinabi naman ni Pentagon spokesman John Kirby na naniniwala silang nagpaplanong muli ang grupo ng Islamic state na magpasabog .

“We still believe there are credible threats… specific, credible threats,” ayon kay Kirby.

Libo-libo na ang nagnanais na makalikas mula sa Afghanistan simula nang maagaw ng  Taliban forces ang kapangyarihan mula sa gobyerno matapos na umalis ang mga tropa ng Amerika.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.