MAHIGIT P64-M FINANCIAL ASSITANCE PARA SA SENIORS, APRUBADO NA NI MAYOR ISKO
Spread the news on:

Aprubado na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang P64.547 million financial assistance para sa mga senior citizen ng District 6.

Pinirmahan ng alkalde ang financial assistance para masimulan na ang pamamamahagi sa 22,636 seniors sa ika-anim na distrito ng lungsod

Ayon kay Domagoso, ang distribusyon ng financial assistance ay magsisimula sa August 29, 2021.

Bahagi aniya ito ng prayoridad na binuo sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Isko at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Sa ngayon nasa 93,567 senior citizens na ang nakatanggap ng P3,000 bawat isa na nasa kabuuang P261,931,500.00 na ang naipamahagi.

Ang kabuuang datos ng mga nabigyan na ng cash allowance ay ang mga sumusunod:

District 1 – 27,994 seniors / P76,501,000.00

District 2 – 18,150 seniors / P51,606,500.00

District 3 – 14,409 seniors / P41,617,000.00

District 4 – 20,418 seniors / P58,876,000.00

District 5 (partial/ongoing) – 12,596 seniors / P36,331,000.00

“Ginagawa ito ng lungsod para mapanatag ang ating mga lolo at lola, lalo na ngayong Enhanced Community Quarantine o ECQ,” paliwanag ni Mayor Isko

“May financial assistance pa, mayroon din tayong Ensure na gatas at vitamins na ibinibigay to reinforce their immune system. Sila ang isa sa mga vulnerable ngayong pandemic,” ayon pa sa alkalde.

(Jocelyn Domenden)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.