DALAWANG PHILIPPINE-MADE CUBE SATELLITES SA INTERNATIONAL SPACE STATION

(Photo courtesy: DOST FB)

Paliliparin ang Maya 3 at Maya 4 na dalawang Philippine-made cube satellites sa International Space Station (ISS) ngayong Sabado, August 28, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dalawang Philippine-made cube satellites ay sabay na paliliparin.

Ang pagpapalipad ay bahagi ng US National Aeronautics and Space Administration’s (NASA) SpaceX commercial resupply mission sa International Space Station.

“The CubeSats will leave Earth aboard a SpaceX Falcon 9 rocket’s Dragon C208 as part of the SpaceX Commercial Resupply Mission-23 (SpX-23),” pahayag ng DOST sa kanilang Facebook post.

Ayon naman sa NASA, ang resupply services ay bahagi ng “scientific research and technology demonstations” na makatutulong sa mga eksperimento habang nasa ISS.

“Experiments aboard include an investigation into protecting bone health with botanical byproducts, testing a way to monitor crew eye health, demonstrating improved dexterity of robots, exposing construction materials to the harsh environment of space, mitigating stress in plants and more,’ dagdag pa ng NASA.

Ang Maya 3 at Maya 4 ay na-develope sa ilalim ng STAMINA4 Space program na sinusuportahan ng DOST, University of the Philippines-Diliman, Kyushu Institute of Technology at Philippine Space Agency.

Ilan sa mga misyon ng dalawang cube satellites ay ipakita ang imahe at video capture ng RGB camera at near-infrared camera.

Kabilang din ang pagpapakita ng ground data acquisition mula sa remote ground sensors gaya ng temperature at humidity.

Inaasahan din na maipakita ng satellites ang commercial off-the-shelf (COTS) global positioning system (GPS) module at magnetic field measurement sa kalawakan.

Katulong ang young Filipino scholars sa pagdevelop ng Maya 3 at Maya 4.

Ang Maya 1 ay pinalipad noong 2018 habang ang Maya 2 ay nitong February 2021.

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.