G! WITH RIZZA DIAZ : Go Get It, Mighty Mouse!
Spread the news on:

Matagal nang pangarap ng mga Pilipino ang makakita ng kababayan na nasa NBA at tila hindi na ito suntok sa buwan.

Noong isang araw ay inanunsiyo ni Jimmy Alapag sa kanyang social media account parte na siya ng coaching staff ng Stockton Kings sa parating na NBA GLeague Season.

Samantala, noong nakaraang linggo ay nag-champion si ang former Gilas Pilipinas caption bilang assistant coach ng Sacramento Kings NBA Summer League.

Dahil sa mga big developments na ito ay marami ang umaasa na sana maging parte na siya ng NBA team anytime soon.

After all, sa kanyang husay at dedikasyon sa sport, ay talagang deserve niya ang lahat ng tagumpay na natatama niya ngayon.

Big leap ang ginawa ni Alapag na tumira nasa America kasama ang kanyang Pamilya, dahil, ayon sa kanya, sa hirap ng pinagdadaanan ng bansa ngayon dahil sa pandemya ay ayaw niya itong makaapekto sa kanyang mga anak na maliliit pa.

Hindi madali ang ginawang desisyon ni Alapag, na matagal naglaro sa PBA at Gilas Pilipinas, kaya naman nang tanungin siya kung magkakaroon ng pagkakataon na magcoach para sa national team ay agad siyang sumagot na open siya sa posibilidad na iyon.

Sa ngayon, suportahan muna natin si Mighty Mouse sa kanyang NBA GLeague stint at kagaya ng pagmamahahal natin sa kanya noong nasa PBA at Gilas pa siya.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.