VCO MANUFACTURER, UMAASANG MAAPRUBAHAN NA NG FDA ANG NASAL SPRAY BILANG GAMOT SA COVID-19

Umaasa ang isang manufacturer ng produktong niyog na maaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang “nasal spray” bilang gamot sa COVID-19.

Sinabi ng lead inventor  ng Nature’s Gift VCO with Menthol Nasal Spray na si Sing Tiu na kailangan nang maipakilala ang anti-viral at anti-microbial na katangian ng VCO lalo ngayong panahon na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Si Tiu ay isa Filipino-Chinese na may-ari at manager ng Tropicana Food Products Inc.

Ayon sa inventor, mayroon nang FDA certificate of product registration ang menthol mouth spray ngunit ang  nasal spray ay hindi pa naaprubahan.

Pursigido ang inventor na makuha ang approval ng FDA para sa kanilang produkto upang hikayatin ang marami pang tao na i-tap ang benipisyo nito ngayong panahon ng pandemya.

(Jocelyn Domenden)

Leave a Reply

Your email address will not be published.