G! WITH RIZZA DIAZ : PACMAN, STILL THE G.O.A.T. (Greatest Of All Time)

Natalo man sa laban si Manny Pacquiao kontra Yordenis Ugas hindi maikakaila na siya pa rin ang isa sa pinakamagaling na boksingero hindi lang ng kanyang generasyon pero sa lahat nang magigiting na fighters na sumabak sa loob ng ring.

Marami ang nagsasabi na tila laos na ang Pambansang Kamao dahil kitang-kita na lamang ang Cuban boxer, pero wala nang kailangan pang patunayan ang nag-iisang eight-division world champion.

Bago pa man mag-umpisa ang laban ay sementado na ang pangalang Manny Pacquiao sa hall of fame ng sport.

Pagkatapos ng fight, aminado si Pacman na his “legs are tight” kaya naman hindi siya nakapag-adjust agad sa laban. Maaaring dala na rin ito ng kanyang edad, 42 na ang fighting pride of the Philippines.

Sa kanyang post-fight interview, nagpasalamat si Pacquiao sa fans at humingi siya ng tawad dahil sa pagkatalo. “I’m sorry we lost tonight, I did my best. I apologize.”

Still, at the end of the day, para sa milyon-milyong Pilipino, wala pa ring tatalo sa isang Manny Pacquiao at maging ang kanyang nakalaban ay alam ito.

“Thanks to Manny Pacquiao for giving me the opportunity to share the ring with him, he is still one of the best fighters in history. Much respect. Thanks to everyone who supported me. I hope we gave a great fight to all the fans. Thanks” tweet ni Ugas.

Eight world titles, at mag-aapat na dekada nang lumalaban sa loob ng ring, wala nang dapat patunayan pa si Pacquiao.

Kung dati, ang palaging tanong sa kanya pagkatapos ng laban ay sino ang kanyang sunod na haharapin, ngayon ang tanong ng marami ay kung ito na ba ang huling laban?

Walang nakakaalam ng sagot, tanging si Pacquiao lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.