KASO NG DENGUE SA CALABARZON, BUMABA NG 47%
Spread the news on:

(Photo courtesy: DOH CALABARZON)

Bumababa ang kaso ng dengue  sa Region 4A  ng 47 porsyento ayon sa  Department of Health CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) .

Ito ay mula sa datos noong January 1 hanggang August 7, 2021  na may 4,179 na mas mababa kumapara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon na nasa  7,933 kaso .

Ayon sa Regional Surveillance and Epidemiology Unit (RESU), nasa edad dalawa hanggang 88 taong gulang ang tinataman ng dengue na nakapagtala na rin ng 15 namatay.

Ang probinsya na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng dengue ay ang Rizal  na mayroong  1,377;  sinundan ng  Cavite na may  1,276 kaso at  Laguna na may  895 kaso.

Pinayuhan ni Regional Director Eduardo C. Janairo ang mga residente na mag-ingat sa kagat ng lamok lalo na ngayong nasa kalagitnaan pa tayo ng tag-ulan.

“Karamihan po sa atin sa ngayon ay hindi lumalabas ng bahay kaya’t siguruhin po natin na tayo ay protektado hindi lamang sa Covid kundi pati na rin sa dengue,” pahayag ni Janairo.

“Panatilihin po natin ang kalinisan, sa loob at labas ng ating bahay upang hindi po pamahayan ng mga lamok. Wala pong pinipiling oras ang mga ito upang mangagat at makapagdulot ng sakit na dengue,” diin ni Janairo

Paalala rin ni Janairo sa mga magulang na ingatan ang kanilang anak lalo na ang edad dalawa hanggang 10 taong gulang  dahil sila ang madaling  kapitan ng kagat ng lamok.

“Use insect repellent, wear bright colored long-sleeved shirts and long pants and most important is to control mosquitoes inside and outside your home by destroying their breeding sites,” ayon pa kay Janairo.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

Doh calabarzon


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.