PINOY SOFTWARE DEVELOPER, LUMIKHA NG MOBILE APP PARA I-CONVERT ANG BASURA SA REWARD
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Screengrab from Trash cash website)

Isang mobile application ang nilikha para mahikayat ang marami na pangalagaan ang kapaligiran.

Ito ay ang TrashCash—na nilikha ng Pinoy software developer na si Benjo Vidal at ng kanyang kaibigan.

Maaaring gamitin ng komunidad ang TrashCash para gawing rewards ang mga plastic waste.

Paliwanag ni Vidal, mayroong e-wallet ang mobile app kung saan maaari kang mag-ipon ng points.

“For example, plastic bottles’ exchange rate is five to eight points per kilo. You can use those points to redeem the rewards provided by your barangays,” sabi pa ni Vidal.

Kasalukuyan nang ginagamit ang TrashCash sa isang barangay sa Tondo, Maynila at sa Calamba, Laguna na itinuturing nilang “community partners.”

May kalayaan naman ang community partners na mamili ng rewards na gusto nilang ibigay.

“One of our partners’ rewards is insurance. Some offer rice then school kits in exchange for the plastics that the people deposit,” dagdag pa niya.

Umaasa naman ang mga developers na maraming lokal na pamahalaan pa  ang makatutuwang nila sa manghihikayat sa mga tao na pangalagaan ang kalikasan.

Ayon sa United Nations Environment Programme, isang milyong plastic bottles ang binibili kada minuto habang limang trilyon na single-use plastic bags ang ginagamit naman kada taon sa buong mundo.

Walong milyong tonelada naman ng plastic ang nakakaabot sa mga karagatan kada taon kaya posible na mas marami pa ang makuhang basura kaysa isda sa dagat pagsapit ng 2050.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.