LUPA SA PALIGID NG BULKANG MAYON, MAY BAKTERYANG POTENSYAL NA ANTIBIOTIC AT ANTI-CANCER
Spread the news on:

(Photo courtesy: DOST FB/Provincial Tourism, Culture and Arts office- Albay)

Kabilang ang Bulkang Mayon sa ipinagmamalaking tanawin ng bansa at kilala rin ito sa pagiging “perfect cone shape”.

At ngayon, hindi lang ito kilala bilang tourist attraction kungdi sa bakterya ng lupa nito na potential antibiotic at anti-cancer properties.

Natuklasan ng mga researcher mula sa University of the Philippines Los Baños ang bakterya sa lupa ng Mt. Mayon sa Albay na mayroong health benefits ayon sa the Department of Science and Technology.

Sinabi pa ng DOST, ang bacterial species ay nakilala bilang Streptomyces sp. A1-08 na potential antibiotic at anti-colorectal cancer effects.

“We have high hopes of getting new and novel species because this is a less explored environment, a volcano”, pahayag ni Kristel Mae P. Oliveros, ang project leader at assistant professor sa UPLB Microbiology Division.

“We were totally surprised and excited,” dagdag pa ni Oliveros.

Sinuri ng research team ang 30 bacterial species mula sa lupa ng Mt. Mayon kung saan 13 ang nagpakita ng pabago-bagong antibiotic properties against organisms na pwedeng magdulot ng sakit sa tao at halaman.

“But Streptomyces sp. A1-08 stood out because it has shown antagonistic effects on all test microorganisms and the methicillin-resistant Staphylococcus aureus or MRSA”, paglilinaw ni Oliveros.

“One of the objectives of the study is to screen actinomycete isolates for antimicrobial activity. Therefore, we ensured that our selected test organisms would represent some of the major groups of microorganisms, including bacteria, yeasts, and molds to capture a broader antimicrobial spectrum result,” saad ni  Oliveros.

Kapag nakumpirma ng researchers na ang Streptomyces sp. A1-08 ay bagong species, tatawagin nila itong  “Streptomyces mayonensis A1-08” bilang karangalan sa ating bansa, paliwanag ni Albert Remus R. Rosana, kasamahan ni Oliveros at kasalukuyang PhD student sa University of Alberta, Canada.

Gumamit ang mga researcher ng genomics analysis para makilala ang specific genes na Streptomyces sp. A1-08 na responsable sa pagproduce ng antibiotic at anti-cancer compounds.

“In our genomics work, we use computer software to build the correct sequence of the Lego pieces and predict target outcomes, which in our research are the different antibiotics and potential anti-cancer molecules,” dagdag ni Rosana.

Ayon kay Oliverros ang kanilang natuklasan ay masasabing  “jackpot” pero kinakailangan pa ng maraming research.

“Way forward, further studies should be made for us to establish that this novel species can likewise produce novel bioactive compounds,” giit pa ni Oliveros

Kabilang pa sa researchers na nakiisa UPLB-funded study ay sina Drs. Albert Remus Rosana, Rina B. Opulencia, Asuncion K. Raymundo, the late Dr. Teofila Zulaybar, as well as Andrew Montecillo at Arian J. Jacildo.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.