MGA RESIDENTE SA MGA BINAHANG LUGAR SA BATAAN, NI-RESCUE
Spread the news on:

Pinangunahan ng Bataan PDRRMO ang pag-rescue sa ilang mga bayan ng Bataan na matinding dumanas ng mga pagbaha.

Sa bayan ng Samal, nagtulong-tulong din ang mga residente  upang mailikas ang mga nasalanta ng baha dahil sa umapaw na ilog dulot ng habagat ngayong araw, July 29.

Humihingi naman ng tulong ang mga residente sa pamahalaan para sa pagkain at iba pa nilang mga pangangailangan.

Sa ngayon, patuloy pa rin na binabantayan ang water level ng mga ilog sa Bayan ng Samal.

Ang lahat ng nasa malapit sa baybayin o Coastal Area ay pinapayuhan ng Samal MDRRM na mag-ingat at maging alerto.

Bukod sa Samal, patuloy din ang rescue ops sa mga bayan ng Orion at Pilar.

(Baha sa Samal, Bataan)

(Rescue ops sa Orion at Pilar sa Bataan)

(Photos courtesy: Bataan PDRRMO)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.