COAST GUARD, INILIKAS ANG MGA BINAHA SA BAGAC, BATAAN
Spread the news on:

(Photo courtesy: PCG)

Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 70 residente ng Barangay Pag-asa, Bagac, Bataan matapos ang mabilis na pagtaas ng baha dahil sa walang tigil na pag-ulan ngayong araw, July 29.

Ilang kabataan na isinakay sa ‘improvised floater’ dahil sa halos abot-dibdib na baha sa kanilang barangay.

Dinala ang mga inilikas na residente na karamihan ay kabataan at kababaihan sa Bernabe National High School sa Bagac na nagsisilbing evacuation center.

Naging matagumpay ang naturang operasyon sa pagtutulungan ng PCG Regional Training Center – Bagac, PCG Auxiliary 109th Squadron, Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Samantala, inilikas din ang ilang  pamilya ngayong araw  sa Barangay Panilao, Pilar, Bataan dahil pa rin sa baha.

Hinatid sila sa  Pablo Roman National High School ang evacuation center ng nasabing lugar.

(Jocelyn Domenden)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.