15 PASAHERO AT TATLONG CREW NG NASIRAANG BANGKA SA SURIGAO DEL NORTE, NASAGIP NG PCG
Spread the news on:

(Photo courtesy: PCG)

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) Surigao del Norte ang nasa 15 pasahero at tatlong crew members sa bahagi Socorro, Surigao del Norte matapos mabali ang propeller shaft ng motorbanca na MBCA RETREAT 1.

Sa inisyal na ulat mula sa coast guard Surigao del Norte, nawalan ng rudder  ang motorbanca  sa baybaying sakop ng Bucas Grande Island kaya nagpasaklolo sa PCG upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero .

Matapos mailigtas ang mga sakay nito, hinila ng PCG ang motorbanca sa Feeder Port, Socorro.

Ayon sa crew, umalis ang motorbanca sa Tiktikan Resort, Barangay Sudlon, Socorro, Surigao del Norte patungong  General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.

Isang milya na mula sa Barangay Navarro, Socorro, Surigao del Norte naglalayag ang motorbanca ng aksidenteng nabali at nalaglag sa tubig ang propeller shaft.

Maagap namang pinahinto ng master ang engine ng motorbanca upang maiwasan ang posible pang maaaring  mangyaring aksidente.

Unti-unting inaanod ang motorbanca dahil sa malakas na hangin at alon.

Gayunman, matagumpay naman silang nasagip ng mga tauhan ng PCG.

Paalala ng coast guard sa mga crew at pasahero na laging  bigilante at alerto habang naglalayag lalo na kapag masama ang panahon upang maiwasan na may magbuwis ng buhay.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.