MARINO AT BOAT CAPTAIN NA INANOD NG ALON, INILIGTAS NG PCG
Spread the news on:

 

(Photo courtesy: PCG)

Tinulungan ng  Philippine Coast Guard (PCG) BRP Capones (MRRV-4404) ang dalawang indibidwal na sakay ng motorbanca Odyong  makaraang magkaaberya ang  makina malapit sa
South Harbor Anchorage Area.

Ayon sa PCG, patungong anchorage area ang motorbanca sakay si Able Seaman Jason Sidocon para makasampa sa MTug Edadis nang masira ang makina ng banca dahil sa malalaking alon at malakas na hangin .

Naanod ang banca sa baybayin ng Manila Hotel Wharf dahil sa malakas na hampas ng alon na sinabayan pa ng ulan at hangin.

Agad namang ipinadala ng BRP Capones (MRRV-4404) ang kanilang ‘workboat’ upang tulungan ang  boat captain na si  Mr. Maximo Aniñon at pasaherong si Sidocon.

Matapos mailigtas ang nasabing mga indibidwal, pansamantalang pinigil sa Manila Hotel Wharf  ang banca hanggang gumanda ang sitwasyon sa baybayin para sa ligtas na paglalakbay.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.