ILANG KALSADA SA MAYNILA LUBOG SA BAHA
Spread the news on:

(Photo courtesy: MDRRMO)

Hindi na madaanan ang ilang kalsada sa Maynila dahil sa mataas na baha dulot ng ilang araw na pagbuhos ng malakas na ulan bunsod pa rin ng bagyong Fabian.

Sa monitoring ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) alas 10 ng umaga hindi na madaanan ng light vehicle dahil lubog sa baha at half tire level na ang kahabaan ng Taft Kalaw, Kalaw hanggang Roxas Boulevard UN Station.

Gayundin ang P Ocampo patungong Roxas Blvd, Quirino patungong Vito Cruz, P.Ocampo, Padre Faura, Taft NBI .

Ang bahagi naman ng Avenida ay hanggang binti ang  baha, maaari naman dumaan sa  gutter deep level ang lahat ng uri ng sasakyan sa  ilang bahagi ng Roxas Boulevard, Espana kanto ng Dela Fuente, Finance Road, Padre Faura kanto ng Mabini hanggang UN Avenue.

Passable din sa tapat ng Philippine General Hospital dahil gutter deep lamang ang baha.

Pinayuhan naman ng MDRRMO ang publiko at mga motorista na umiwas sa mga malalalim na baha upang hindi magdulot ng aberya sa kanilang biyahe.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng MDRRMO sa lahat ng kalsada sa Maynila na may mabilis na pagtaas ng baha dahi patuloy ang ulan.

(Jocelyn Domenden)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.