TAMBAK NG BASURA, INANOD SA DOLOMITE BEACH
Spread the news on:

(Photo: Christian Heramis)

Inanod sa dalampasigan ng Manila Bay at sa Dolomite Beach ang sangkaterbang mga basura at halaman dahil sa dalawang araw na pag-ulan sa Metro Manila.

Kaya naman tuluy-tuloy ang  paglilinis ng mga tauhan ng Manila Department of Public Service (DPS) at ng MMDA at Coastal Warriors ng (DENR) ang mga nagkalat na basura at halaman sapampang ng  Manila Bay.

Partikular na hinahakot ang mga inanod na basura at halaman sa may bahagi ng Dolomite beach malapit sa US Embassy.

Ang ilang bahagi ng Dolomite beach ay lubog sa tubig at natatabunan ng basura dahil sa lakas ng alon dulot ng pag-uulan kung saan pinangangambahan na muli itong masira at anurin ang mga artificial na buhangin.

Sa kasalukuyan, unti-unting natatanggal ang mga nagkalat na basura kung saan umaalalay na rin ang ilang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

(Christian Heramis)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.