DOH-CALABARZON, NAGLUNSAD NG KAUNA-UNAHANG RURAL SURGERY PROGRAM SA MABINI, BATANGAS
Spread the news on:

(PHOTO COURTESY: DOH-CALABARZON)

Inilunsad ng Department of Health (DOH-CALABARZON)  ang kauna-unahang rural surgery program na magbibigay ng surgical services sa mga komunidad na kulang sa serbisyo. Ito rin ang magsisilbing surgical education at training facility para sa medical students ng Mabini Community Hospital (MCH).

Ang proyekto ay tinawag na CO-OPERASYON Rural Surgery Program, isang pilot program ng pamahalaang lokal ng  Mabini, Batangas, University of the Philippines- Philippine General Hospital (UP-PGH) Department of Surgery at  DOH-CALABARZON.

Ayon kay UP- PGH Director Gerardo D. Legaspi, mahalaga ang programa para matulungan ang mga nakatira sa liblib na lugar na nangangailangan ng operasyon.

“Kami na ang pupunta at magbibigay ng serbisyo sa tao at hindi na namin sila aantayin pa na magpunta sa amin. Everyone has a right to health and it is our duty in the health sector to give them that right,” ayon kay Legaspi .

Dagdag pa ni Legaspi, ang programa ay makatutulong din sa mga nagsasanay  ng surgery o pag-oopera upang makumpleto ang kanilang mga kinakailangang pasyente para sa pagsasanay.

“Initially, UP-GH will be providing minor surgical operations at MCH and for patients needing major surgery, we will send them immediately to PGH,” dagdag pa ni  Legaspi.

Magtatalaga naman ng tatlong resident surgeons ang UP-PGH na magsasagawa ng  surgical operation sa MCH.

Samantala, sinabi naman ni  Regional Director Eduardo C. Janairo na isa rin sa mga panauhin sa paglulunsad at pumirma sa MOA, na ang nasabing programa ay  magkakaloob ng internal medicine, surgery, pedia at ob-gyne services.

“Napakaimportante na lahat ng ating stakeholders ay magkaroon ng iisang layunin upang maisakatuparan ang isang proyektong gaya nito na magbibigay ng buhay at pag-asa sa mga pasyenteng nangangailangan ng operasyon upang sila ay makapagpagamot at makapamuhay pa ng maayos.”

“With the leadership and support of UP-PGH, we can be assured that this project will be sustained to help all people requiring various kinds of surgery in the distant communities will be provided for and taken care of,” ayon pa kay Janairo

Naglaan naman ang Regional office ng  P10 milyong inisyal na pondo  para sa pagbili ng mga medical equipment  at iba pang medical  supply kabilang ang pasilidad para sa pag-oopera ayon naman kay OIC Regional Director Dr. Paula Paz Sydiongco .

“Sa ngayon, habang wala pang surgical ward ang community hospital ay gagamitin muna ang mga available rooms upang maumpisahan ang proyekto. Habang inaayos pa natin ang facility upang makapag-accommodate ng maraming mga pasyente, pansamantala munang mga minor surgical operations ang gagawin dito.”

“All surgical operations to be conducted [are] free of charge, so patients need not worry about paying anything. Fees will be covered by PHILHEALTH, UP-PGH and DOH-CALABARZON.,” paliwanag ni Sydiongco.

Nagpasalamat din ni Sydiongco sa local na pamahalaang ng  Mabini sa kanilang suporta sa  CO-OPERASYON Rural Surgery Program.

Ang  Mabini Community Hospital ay isang  local government hospital na may 18-bed capacity na binuksan noong  July 1, 2020.

(Jocelyn Domenden)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.