‘EPIC SKIN’ NI MANNY PACQUIAO SA MOBILE LEGENDS, LALABAS NGAYONG ABRIL
Spread the news on:

Nakatakdang magkaroon ng sarili niyang “Epic Skin” sa mobile game na Mobile Legends: Bang Bang si boxing champ Manny Pacquiao para sa ML hero na si Paquito.

Ang nasabing hero ay hinango rin mismo sa itsura at karakter ng pambansang kamao.

Ang Pacquiao epic skin, na isa sa pinakamahal na uri ng mga skin sa Mobile Legends, ay mabibili sa shop pero eksklusibo lamang ito sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, at Singapore.

Base sa inisyal na artworks, ang skin ay eksaktong kawangis ni Pacquiao hanggang sa trademark tattoo nito na boxing glove sa kanyang dibdib.

Mayroon din itong voice lines na nasa wikang Filipino.

Ilang buwan lang matapos ilabas si Pacquito, itinuring agad ito bilang isa sa pinakamalakas na hero sa kasalukuyang meta (most effective tactics available) ng Mobile Legends.

Dahil sa fast cooldown at high damage output nito, mabilis itong naging priority pick at halos i-ban sa ranked games maging sa Mobile Legends Professional League Philippines.

Samantala, ang Pacquiao epic skin ay magiging available sa Mobile Legends shop sa Martes, April 13.  (Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.