MAY MGA SAKIT SA PUSO, PWEDE PA RING BAKUNAHAN vs COVID-19 AYON SA FDA
Spread the news on:

Maaari pa ring bakunahan laban sa COVID-19 ang mga taong may sakit sa puso, ayon sa Food and Drug Administration.

“Puwede po,” wika ni FDA Director General Enrique Domingo nang tanungin ukol dito.

“Sa ngayon po talaga ang ipinagbawal ang bakuna ay doon lamang sa may mga severe allergy to the vaccine contents,” paliwanag pa niya.

Aniya, maaaring hindi bakunahan ang isang tao kung siya’y mahina ngunit maaari itong ibigay sa sinuman na may tinatawag na “stable diseases.”

Ipinunto pa ni Domingo na hindi na kailangang sumailalim sa allergy test ang isang tao bago bakunahan.

Ngunit iginiit niya na pagkatapos mabakunahan, dapat manatili muna sa pasilidad ang isang tao sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras para mabantayan sa posibleng allergic reaction.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.