MAGALONG, MANANATILING CONTACT TRACING CZAR KUNG GUSTO PA NI PRRD
Spread the news on:

Iginiit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na irrevocable ang kanyang pagbibitiw bilang contact tracing czar ngunit mananatili siya sa puwesto kung gusto pa ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Magalong, makikipag-usap siya kina Secretary Carlito Galvez Jr., ang chief implementer ng pagtugon ng pamahalaan laban sa COVID-19, at deputy chief implementer Secretary Vince Dizon para pag-usapan ang isyu.

“I’m due to meet with Secretary Galvez this week together with Secretary Vince and again I would like to reiterate that my resignation is irrevocable. I will continue to help in the contact tracing,” pahayag ni Magalong.

Subalit inamin ni Magalong na kung uutusan siya ni Duterte na manatili sa puwesto ay susunod siya sa Pangulo.  

Pero kung si Magalong ang tatanungin, ayaw na niyang umabot pa kay Pangulong Duterte ang isyu.

“It is a situation that no one can refuse if the President tells you to stay and perform your job. I cannot refuse the President. Pero hindi naman na siguro aabot ‘yan kay Presidente, sa dami ng problema ng Presidente. Siguro at the level ni Secretary Galvez, makapagdesisyon na,” paliwanag ni Magalong.

Nagbitiw si Magalong bilang contact tracing czar matapos umamin na dumalo siya sa party ng eventologist na si Tim Yap sa Baguio City kung saan nalabag ang ilang health protocols.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.